Tags

, , ,

Long and boring relationship…

Lagi kong naiisip yan. Yung tipong pag nakakita ako ng couple, tapos lagi kong nakikita na sila lang talaga magkasama lagi, parang gusto ko silang tanungin, “Hindi ba kayo nagsasawa sa isa’t isa?… Hindi ba kayo nauubusan ng pag-uusapan?“…

Nawi-weirdo-han talaga ako, kasi ano pa bang pwedeng pag-usapan at pagkwentuhan kung pareho nyo namang naexperience or nashare yung moment na yun, di ba, what’s left to share and talk about?

Pero hindi ko rin naman maikakaila na talagang humahanga ako sa mga couple, not yet married, na more than a year, lalo na yung more than 2 years or so… kasi parang sanay na sanay na sila sa isa’t isa. Yung parang, wow, hindi pa nagbabago yung feelings nila sa isa’t isa. Feeling ko kasi, wala nang tao, wala nang lalaki na stick to one… wala lang, feeling ko, lahat titingin at titingin sa iba. Na sa tingin ko sa movie lang uso yung linya na “Tumingin man ako sa iba, ikaw at ikaw pa rin naman ang mahal ko” and the like… Ewan ko, guys this age parang walang serious type, kaya hindi ko maimagine na eventually eh magmamature din sila, at magiging seryoso sa buhay…

Anyway, going back, usually, babae talaga yung nagiging “clingy” sa isang relationship. Totoo yan, kaya uso na babae din ang umiiyak. At nakakabwisit talaga na tine-take for granted na yung sobrang concern, care at love. Worst, kinabubwisitan pa, eh sorry ha, mahal ka na talaga eh, sinuyo suyo mo tapos pagsasawaan mo. Kaya nung mapanood ko tong movie na to, medyo nainis ako kay Jun-seo (yung lalaki), kasi, wow ha, gwapo mo eh… Haha… pero ayun nga, bored na sya sa relationship, parang naiirita na sya sa kakulitan at pagiging clingy nga nung girlfriend nya. Tapos nung maaksidente si Mi-yeon at ma-coma, saka lang nya narealize yung naging behavior nya… Ayan, ngayon mo mamimiss, kung kelan wala nang malay. Haaay, nakakaloka… As the story progresses, nakita ko na si Jun-seo naman talaga yung unang nagkagusto, sobrang crush na crush nya ganyan. Pero siguro, dadating talaga sa point na bored ka na sa relationship, or baka nasasakal din. At iba ang naging feeling nya dun, parang gusto na lang nyang sukuan, hindi na niya ginusto pang pag-usapan, then late lang nya narealize na hindi nya kayang mawala si Mi-yeon… Oh well, iyak na lang.

Haay, basta, sobrang naiyak ako sa movie, kasi medyo after 15 mins ata, andun na yung scene na in coma na si Mi-yeon, so may mga flashbacks ganyan, kaya medyo drama drama din…

Haay,.. Narealize ko lang na nasa huli talaga ang pagsisisi. Mahilig nating i-take for granted ang mga bagay-bagay, and we don’t see its worth until we lost it, then saka lang natin yun paghihinayangan. Di ba, nature naman na talaga yun, bakit mo nga naman kasi iisipin agad na, baka mamatay to, baka mawala to kaya i-treasure na, di ba, hindi ka naman mag-iisip nang ganun, unless paranoid ka. Maigi pa kung break-up lang, eh kung death talaga eh, medyo iiyak ka na lang talaga sa pagsisissi… I guess, applicable pa rin talaga yung “Say I love you to your loved ones, while you’re still with them, live your life as if it is your last“.

Advertisements