Tags

, , ,

Naisip ko lang magblog ng ganito dahil sa preview post ko, narealize ko kasi kung gano karami ang movies na may pare-parehong theme. Depende na lang sa cast at sa lines nila pumapatok ang movie.

Friends to Lovers theme

1. Friends with Kids – Super close best friends na naisipan magkababy dahil naiinggit sa friends nila. Naisip nila ang isa’t isa since kilalang kilala na nila ang isa’t isa, at totally unattracted daw sila sa isa’t isa kaya walang magiging problema na gaya sa tunay na mag-asawa na naghihiwalayan, which is mahirap pag may baby na, eh sa kanilang set-up, hindi nila mararanasan yun dahil super friends sila. May shifting sila sa pag-aalaga sa baby haha.

2. Made of Honor – Mag-bestfriend na babae at lalaki. Nung iakkasal na yung babae, ginawa nyang maid of honor yung best friend nya kahit lalaki. Eh narealize nung lalaki na in love pala sya sa best friend nya na yun, kaya ginamit ang pagiging MOH para maagaw nya yung babae haha.

3. Friends with Benefits – Sawi sa kani-kanilang karelasyon, eh tutal magkaibigan naman sila, na-agree sila sa ganitong set-up na magbenefit sa isa’t isa ng bonggang bongga haha. In the end, nagkagustuhan din kasi eventually, andun na yung care nila for each other.

4. Something Borrowed – Friends sila sa law school, gang nagmeet yung guy at yung best friend ni girl, at nung ikakasal na, nagkaalaman yung law school best friends na ‘to na from the very start, sila pala ay attracted sa isa’t isa, hindi lang nag-aminan.

5. Love Me If You Dare – Ayaw iswallow ang pride ng magbest friends na to, na dinadaan sa dare ang lahat lahat, kahit na nagkakasakitan na sila, kahit na alam nila sa sarili nila na gusto nila ang isa’t isa, ayaw pa rin sumuko.

6. When Harry Met Sally – Eto yung define, best friends for so many years, as in super duper close. Napakita yun sa movie, kaya kita mo talaga yung friendship na nadevelop into love. Parang ang haba nga ng dating ng movie na to kasi halos ipakita talaga yung hinaba-haba ng years na magkaibigan sila.

Enemies to Lovers theme

1. Pride and Prejudice – Suklam na suklam sa isa’t isa nung una pa lang magkita, then nung makilala nila ang isa’t isa, saka nila naunawaan ang bawat isa, kaya ayun, nagkagutuhan din pala haha.

2. Flipped – Una yung girl yung patay na patay mula pa nung bata sila, then gang nabwisit na yung babae so may time na galit-galitan sila, tas namiss nung guy yung kakulitan nung babae. Hanggang naisip nya na parang may gusto na sya dun sa babae kahit na super duper annoyed sya nung bata pa sila.

3. Life As We Know It – Friends sila nung mag-asawa, pero hindi sila friends, in fact, ayaw nila talaga sa isa’t isa. Nung maaksidente yung mag-asawa, sa kanila ibinilin yung baby, as in silang dalawa ang magiging parents.

4. It’s a Boy-Girl Thing – Super magkaaway din tong magkapitbahay na ‘to. Bata pa sila hindi na sila magkasundo. Hanggang na-magic na nagkapalit sila ng katawan. Dahil sa set-up na yun, naging close sila, syempre kelangan pangalagaan ang isa’t isa, etc.

5. Ugly Truth – Super inis na inis yung babae sa lalaki kasi ang pangit ng style nito sa TV, eh ayaw nung babae ng ganung style. napilitan syang pakisamahan sya kasi yun ang sabi ng boss. Gang nagkaroon ng time na tinulungan nung lalaki yung babae para mapalapit sa gusto nyang lalaki, pero in the end, sila ang nadevelop.

Forbidden Love theme

1. Underworld III: Rise of the Lycans – Yung story ni Lucian, isang Lycan, at Sonja, isang Vampire. Sobrang grabe lang, pati ako nainis kay Viktor. Sukat bang patayin sila sa harap ng isa’t isa nung malamang may bawal na relasyon sila, lalo na nung malaman din na buntis yung babae.

2. Romeo and Juliet – Naman, alam nang lahat yan hahaha.

3. Gnomeo and Juliet – Hahahaha, bakit ba, ganun din naman to.

4. Atonement – Hindi naman masyadong forbidden, pero conflict sa pamilya dahil sa nilikhang issue nung kapatid nung babae. Nagsuffer yung dalawa at hindi sila nagkaroon ng chance na magsama, hanggang mamatay sila, na magkalayo sa isa’t isa.

Hindi ko na alam yung iba ko pang pinanood na may ganitong theme, nakalimutan ko na hahaha…

Advertisements