Tags

, , , ,

As adults, best friends Julien and Sophie continue the odd game they started as children — a fearless competition to outdo one another with daring and outrageous stunts. While they often act out to relieve one another’s pain, their game might be a way to avoid the fact that they are truly meant for one another.

In fairness sa movie na ‘to, napalaban ako sa pagbabasa ng subtitles… In French kasi, tas ambilis pa nila magsalita hehe…

The film’s good… Nagustuhan ko, kaya nga nagblog ako… Sobrang grabe lang ang dares nila sa isa’t isa… Yung tipong mapapahiya ka sa ibang tao, makakasakit ka ng ibang tao, at masasaktan nila ang isa’t isa. Sa una ang saya pa ng game nila, until nafeel nila na parang gusto nila ng more than friends, parang nagkadevelop-an na. Yung babae pa yung una ngang nag-express ng feelings nya… Something like “tell me you love me” ata yung line, tas tinanong nung lalaki kung “is this a game?”, tas “is it a game for you?”… etc etc…

Kahit na may feelings na sila sa isa’t isa, hindi nila kayang lunukin ang pride nila… parang ganun. I won’t forget the scene na finally, magcoconfess na talaga ng seryosohan si Sophie, so salita sya ng salita, ayaw nya muna pagsalitain si Julien. After nya magsalita, parang ang reply ni Julien eh wag muna ngayon mangulit, etc kasi kelangan nya mapasa yung exam nya, na ayaw nya masira future nya kaya importante sa kanya yung exam nya na yun, so parang nabadtrip si Sophie, syempre nasaktan sya. Pero hindi nya pinahalata na sobrang devastated sya, tas sinabi nya “You can’t hurt me” parang ganun… then umalis na sya… Tinry naman ni Julien na habulin sya, yung bus scene na takbo takbo yung lalaki hinahabol yung bus hahahha, sabay nag-a-i love you hahaha… Tas wala, ayun…

Nagdaan ang ilang years, then nagkita sila ulit, parang ok na sila ulit, kinilig pa nga ako ng konti nung magkita na sila at mag-usap finally… nagdinner date pa sila… But then, everything is a set-up, in connection dun sa “You can’t hurt me”, aba, sobrang ang gago lang ni Julien, the whole act was to propose to her, then i-let down immediately after mag-yes… WTF lang… ako yung nabwisit talaga… Andun na eh, tas biglang, pinahiya na nya, imagine, nasa restaurant, andaming tao, tas nasa kabilang table lang yung totoong fiance ni Julien, na kasama pang nang-set-up. Di ba, WHY? why? yung aabot sa puntong ganun. Grabe lang yung dares nila… Syempre gumanti si Sophie, nung kasal na, pinaalala nya yung dare kay Julien nung bata pa sila na hindi sya mag-a-I do… edi grabe lang, galit na galit yung mga magulang nung bride. Sa galit ni Julien kay Sophie, gusto syang pasagasaan sa train, buti na lang tinanggal agad ni Sophie yung blinfold nya at nakatakbo bago pa sya abutan ng train. Of course, nasaktan na naman sya dun, sukat bang patayin sya…

Nagdaan ang ilang taon, may asawa na sila pareho. Sobrang namiss na ni Julien si Sophie, parang pagod na sya sa life nya, parang withdrawal symptoms lang ang nagaganap sa scene na pinakita haha, then finally, nagka-chance na magkita sila… kala ko yun na talaga,… But then, dare na naman ni Sophie.. Tas naaksidente si Julien dahil sa dare na yun, sobrang naguilty si Sophie syempre, kala nya patay na nung nagpunta sya sa ospital, pero syempre, nantrip na naman si Julien at pinalabas lang na patay na sya… Bandang huli, narealize nya na masasaktan si Sophie talaga nun, kita naman nya na sobrang iyak sya nung nasa ospital, tas si Sophie, narealize nya na isang set-up na naman yun ni Julien, then nagmeet sila sa ospital tas yun… iniwan ang kanikanilang asawa hahahaha..

OK, kinwento ko na ata halos lahat. Basta maganda sya, or ewan ko, basta tumatak sya sa akin, dahil sa mga scenes na nakwento ko. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong love story, ang weird lang, yung alam na alam na alam na nilang mahal nila ang isa’t isa, pero ayaw sumuko ng kahit sino sa kanila. Yung tipong pag nagkita sila eh “uhaw na uhaw” lang ang peg hahaha… chura kasi nila, sobrang miss na miss ang isa’t isa pero pakipot at ayaw pa ring bumigay gang sa nagkakasakitan na sila. Ang ending, pinatay nila ang isa’t isa, at syempre dare na naman yun, na magpabaon sila ng buhay, magpasemento, ganyan… tsk, baliwan lang, yung ang di ko nagustuhan kasi parang andun na, akala ko sa wakas magsasama na sila, but then papakamatay lang pala haha… pero at least hindi sobrang common ng ending. Pero maski na talaga, mahalaga ang life, bat sila nagsuicide haha…

Advertisements