why? because i’ve changed…

gaya ngayon… wala pa akong lab report, eh bukas na ang pasahan… ginagawa ko na sya actually, but then sumagi sa isip ko na:

bakit at pano ako nagkaganito??? before, weekend pa lang, or minsan nga after performing the exercise, nagsstart na akong gumawa, pero ngayon, day before?

so mabilis na akong gumawa ng report? hindi na ako aligaga kahit wala namang dahilan? hahaha… normal na ako gaya ng iba… ang OA ko kasi dati… parang feeling ko, SOBRANG BAIT AT HUWARANG ESTUDYANTE AKO DATI… na pwede namang hindi masyado… so ngayon, eto ako, nakuha pang magblog…

hindi pa rin naman ako super nagbago, kasi minsan sinusumpong pa ang ganun kong katangian… mas gusto ko yung ngayon… yung tama lang… hehe yung nakukuha ko pang manood ng movie/series kahit may exam… parang last week, nanood ako ng 2 movies kahit may quantum chem exam ako kinabukasan… this week naman, nakapanood pa ako ng 4 na movies ata yun kahit lab exam ko din sa 112.1 kinabukasan… ewan ko kung bakit ako nagpa-tempt… hahaha… siguro dahil NAPAPAGOD NA AKONG TIISIN NA HUMARAP SA NOTEBOOK KO NG ILANG ARAW… tama nga naman ang iba na kapag nagrereview ka, dapat din namang magrelax ka kahit ilang minutes… or hours? hahahaha…

ang saya lang na maging normal na estudyante… yung keriboomboombels lang… :))))))))))))

Advertisements