Tags

, , , , ,

OO NGA, FEBRUARY NA. BAKIT BA?

Haay… Ewan ko ha, pero ilang taon na ba akong nagfe-facebook, bakit parang THIS YEAR KO LANG NAEXPERIENCE NA HALOS LAHAT NG MAKITA KO SA NEWSFEED KO EH:

It’s the love month! <3″ — oo with matching heart

FEBRUARY <3 <3 <3″ — mukhang in love na in love sya?

14 days na lang!” — eto talaga haha!

[hindi exact, pero yan ang kumbaga summary ng mga status and similar expressions, basta pumapatak sa mga category na yan]

MHAYGAHD!!!!! anuber? pahiwatig na ba ‘to na “ILANG TAON KA NA TEH?” or ng “SAME OLD FEB 14?“, and etc…

Naisip ko lang, KELANGAN BA TALAGA MAY DATE? KELANGANG MAGHANAP NG JOWA-ERS? hahaha… KALOKA! <in toni’s expression sa wedding tayo wedding hindi, if you’re familiar, baklang bakla sya dun>

HINDI KO NAMAN ITATANGGI. Siguro nga, oh well, malamang, NAKAKAKILIG I-SPEND ANG VALENTINE’S kung may ka-valentine ka nga. Eh pano kung wala? T-T iyak na lang? HAHA! NO! OA MUCH LANG TEH???!!! OR KELANGAN MAGHANAP? -_-

why this post?

NATATAWA LANG KASI AKO NA RECENTLY, WALANG BUKAMBIBIG ANG FRIENDS and CLOSE ORGMATES KO KUNDI IHANAP DAW AKO NG BOYFRIEND, MAGBOYFRIEND NA DAW AKO TAS PABUNTIS AGAD (-_-#), BIGYAN DAW AKO NG KABLIND-DATE, WALA BA TALAGANG NANLILIGAW?, WALA KA BANG BOYFRIEND TALAGA?

HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHA….

hindi naman ako naiinis. SWEAR… natatawa lang ako kasi, KELAN PA NAGING TOPIC ANG LOVE LIFE NG ISANG TULAD KO?? haha! ako kasi yung taong nakikichismis lang sa lovelife ng iba, nakikikilig sa real-life sweethearts… mga ganun lang teh! BUT NOW? haaay! KA-PRESSURE! AT HINDI AKO SANAY NG NATATANONG NG GANYAN AH… [imagine kung gano na ka-high ang emotions ko habang nagtatype]… haha!!!

as for the blind date, SHET. sabi ko, “Ha? anung gagawin? Ni hindi nga ako marunong, ni hindi ko alam, ewan ko, hindi ako marunong!” but now, tinuruan nila ako, “mag-usap lang kayo, mag-dinner, magkwentuhan… tas pag okay, edi next time ulit…” tas may nagsabi pa, “oo nga, tas pag nagustuhan mo, IUWI MO NA!” HAHAHAHAHAHA! wildness lang teh! hahaha… LAUGHTRIP TALAGA KANINA!!! ganyan ka-ADVANCE ANG BARKADA KO!!! AT SANAY NA AKO, yun ang masama dun [masama nga ba? fun naman eh… GULO LANG NAMIN…]

seriously, ewan ko sa matter na ‘to. NAISIP KO TULOY, KAKAYANIN KO BANG MAY JOWA-ERS?! Baka kiligin na lang ako FOR LIFE… baka di na ako naka-aral… lalo na kung super sweet, gentleman nya… OH EM LANG… namatay na lang ako sa kilig, shet lang haha… 

one time sa office/tambayan, napag-usapan namin, at nagkatanong na “kelan ka magboboyfriend?” sabi ko “pag nagtatrabaho na?“… then inisip ko sya ng inisip right after kong sagutin yung tanong,.. hmm, really? ewan ko rin eh… yung mga ganyang bagay kasi, hindi dapat nagsasalita nga naman ng tapos, malay mo, bukas, yung unang lalaki ng makita ko eh ma-in love ako [shet, agad agad]… yung mga ganung di inaasahang pagkakataon ba… HAHA!!! [this is really weird, hindi ako ‘to… anung pinagsasasabi ko… usually kinikilig lang ako sa movies, tv shows, etc, hmmm, real life, pero not real real life like karelasyon na haha!]

FEELING KO TULOY, TRENDING PAG NALAMAN NG BARKADA KO NA MAY BF NA AKO ONE DAY… lalo na pag kasal na… charot! agad agad! haha!…

PERO ANO NGA BANG FEELING NG MAY BOYFRIEND?! HMMM… MAKAPANGHATAK NGA NG MAKITA KONG PAPABLE SA PHYSCI BUKAS AT SABIHING,

“TARA, BOYFRIEND NA KITA, PRACTICE LANG NG FEELING, GANG VALENTINE’S!”

kaloka lang siguro, baka mabaliw kahit yung lalaki haha!!!!

Advertisements