Tags

, , , , , , , , ,

lately, wala akong ginawa kundi tumawa at mag-enjoy sa life… haha! seryoso. nang magsimula ang sem na ito, parang ang gusto ko eh lubusin ang bawat pagkakataon na pwede akong gumimik, makipagchismisan, makipagtawanan sa mga friends and orgmates ko… IN FAIRNESS kasi ang CS 08, baliw kung baliw, chismis kung chismis, halakhak kung halakhak…

hindi ko nga maimagine kung gano ka-boring ang life ko kung hindi ako nag-org eh,… totoo… siguro i’ll be the same loner na freshman haha… hindi naman sa malungkot, kundi sobrang tahimik. basta boring haha! yung ako lang kakain mag-isa… kakain sa fast food chain sa labas ng campus like mcdo, kfc, or chowking [iikot lang sa tatlong yan]… kasi hindi ko malalaman or kung alam ko man eh hindi ako kakain at hindi ko tutunguhan yung mga kainan sa loob like coop, su, vendo, etc… siguro din eh lagi akong nakatambay sa may annex sa physci, or sa ic-lib, dahil wala akong ibang lugar na matambayan…

ANG BORING LANG TALAGA SIGURO. haha!

nung mag-org naman ako… sa start, mahiyain pa rin, tahimik, ganyan… tsaka dati, yung mga gimik na inuman, super bihira akong pumunta dahil ayoko uminom… AYOKONG PINIPILIT AKO… pero ngayon, GO NA GO NA AKO… hahaha… grabe, hindi naman ako lasinggera and all, ANG PINUNTA KO TALAGA DUN EH PARA MAKIPAGTAWANAN AT CHISMISAN… totoo! lalo na kapag nandun ang tatlong beki [ayan, special mention, TSARAY!]… in fairness, solve na solve ka na kakatawa sa tatlong yun… PARANG NAGPUNTA KA NA RIN SA COMEDY BAR… choserang mga yun…

LAHAT NG TAWANAN NA YAN, YAN ANG IPINUPUNTA KO… alam mo yung pag pagod ka, isa sa mga bagay na gusto mong gawin eh makipagtawanan at lokohan na lang sa friends mo… at ngayong fourth year na, AT HOPING NA MAKA-GRADUATE SOON, parang ayokong maka-miss ng isang event… grabe… haha! narealize ko lang bigla na nakakatuwa dahil sa kabila ng mga subjects ko ngayon, may time pa ako magliwaliw at manood ng movies… though napapasubo talaga ako minsan dahil ayun nga, pinagsisisihan ko din kapag nagka-cram na ako hahaha… pero masasabi ko na compared before, mas naba-budget ko yung time ko ngayon… sya nga ba? shet… hindi ko naman pinapabayaan ang acads… NOOOOOO! hindi pwede! haha!

~napansin ko lang, ang walang kwenta lang ng pinagsasasabi ko… kasi parang kung anung maisip lang ng utak ko eh ita-type ko… natuwa lang kasi ako sa araw na ‘to sa lahat ng ITINAWA KO… haha!!!

MESSAGE: sa lahat ng nerd, gc, loner, org-less [haha], WAG MASYADONG SERYOSO SA BUHAY, KAYO RIN, ONCE NA MARANASAN NYO BAKA UM-OVER, ATA PARA NA KAYONG NAKAWALA SA KULUNGAN… i-balance ang mga bagay bagay… dapat may social life din :))))))))

PS. excited na ako sa night out/overnight na mala-sleepover sa thursday! haha, baliw!!!

Advertisements